Ipinagmalaki ng beterana at award-winning actress na si Lorna Tolentino na isa na siyang reservist ng Philippine Navy, batay sa kaniyang social media post noong Biyernes, Agosto 7.
Isa lang si LT sa mga dumaraming celebrities na pinapasok na rin ang pagiging reservist ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Nakompleto ng aktres ang training niya sa Philippine Navy Reserve Command sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Mababasa sa kaniyang post, "Discipline is choosing to finish, even when it’s hard."
"Just finished. "
"Lorna Tolentino Fernandez, at your service," aniya pa.
"Philippine Navy Reserve Command. Mabuhay ang Pilipinas!" dagdag pa niya.
Ayon kay LT, naging inspirasyon niya sa pagpasok bilang reservist ang pumanaw na mister na si Rudy Fernandez, na isa ring Navy reservist.
Siyempre, bumaha naman ng pagsuporta para kay Lorna mula sa mga kapwa celebrity at netizens.
Bukod kay LT, ilan pa sa mga celebrity na Navy reservists ay sina Christopher de Leon, Winwyn Marquez, Kim Rodriguez, Karina Bautista, at Nadia Montenegro.