August 07, 2026

Home BALITA Probinsya

Umano'y rocket debris, natagpuan sa baybayin ng Cagayan—PCG

Umano'y rocket debris, natagpuan sa baybayin ng Cagayan—PCG
Photo courtesy: PCG/FB


Nakarekober ang Philippine Coast Guard (PCG) ng umano’y rocket debris sa baybayin ng Barangay Babuyan Claro, Calayan, Cagayan noong Huwebes, Agosto 6.

Ayon sa ulat ng PCG nitong Biyernes, Agosto 7, natanggap nila ang impormasyon kahapon dakong 12:30 ng tanghali matapos iulat ng isang concerned resident ang pinaniniwalaang bahagi ng isang rocket na natagpuan sa baybayin.

Batay naman sa pahayag ni PCG Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, napag-alamang walang markang nagkukumpirma na rocket debris nga ang naturang bagay, matapos itong inspeksyunin ng PCG personnel.

“They secured the object in a safe location while awaiting further technical assessment by the appropriate authorities,” saad ni Cayabayab sa kaniyang pahayag.

“We also advise fisherfolk and coastal residents to avoid handling unidentified floating objects and to immediately report similar sightings to the nearest local authorities,” dagdag pa niya.

Anang PCG, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa concerned government agencies upang malaman kung saan nga ba nanggaling at ano ang narekober na bagay sa baybayin ng nasabing lugar.

“The PCG continues to coordinate with concerned government agencies to determine the origin and nature of the recovered object, in support of maritime safety under President Ferdinand R Marcos Jr’s Bagong Pilipinas vision, the Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) campaign and the Organized National Engagement (ONE) at Sea strategic concept,” anang PCG.

Sa kaugnay na ulat, matatandaang kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) sa isang advisory noong Miyerkules, Agosto 5, ang pag-launch ng Jielong-3 rocket ng People’s Republic of China.

“Expected debris from the rocket launch was projected to have fallen within the identified drop zone (DZ): approximately 94 NM away from Babuyan Island, and 143 NM away from Santa Ana, Cagayan. This drop zone is within the Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ),” saad ng PhilSA sa kanilang abiso.

Gayunpaman, walang kumpirmasyon kung may koneksyon ba ito sa narekober na umano’y rocket debris sa lalawigan ng Cagayan.

MAKI-BALITA: China, nag-launch ng rocket; debris tinatayang bumagsak sa drop zones na nasa EEZ ng Pinas-Balita