August 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ruru Madrid bilang aktor na INC member: 'Challenging, marami mga bagay na natanggihan!'

Ruru Madrid bilang aktor na INC member: 'Challenging, marami mga bagay na natanggihan!'
Photo courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (YT)/MB File Photo

Ibinahagi ng Kapuso star na si Ruru Madrid ang ilan sa mga hamong kinakaharap niya bilang isang artista at kasabay nito ay pagiging miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Sa panayam sa kaniya ni Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda" noong Martes, Agosto 4, inamin ni Ruru na hindi naging madali ang pagsasabay ng kaniyang propesyon at pananampalataya dahil may mga pagkakataong kailangan niyang isaalang-alang ang paniniwala sa pagtanggap ng mga proyekto.

"I'm going to be honest, Tito Boy, of course challenging siya sa pagiging isang aktor. I mean, siyempre bilang isang aktor hindi ka lang naman umaarte," aniya.

"Marami rin pong mga tao na naglo-look up sa 'yo or nagsisilbing inspirasyon ka. At marami po sa mga tagahanga ko ay miyembro po ng Iglesia ni Cristo."

"So siyempre, hindi naman po sa lahat ng pagkakataon ay mauunawaan po nila kung ano po yung ginagawa namin bilang isang aktor."

Tsika at Intriga

Sassa Gurl nag-sorry sa kataklesahan, kakanalan niya: 'I take accountability for that!'

Ayon kay Ruru, bago siya tumanggap ng isang proyekto, nakikipag-usap muna siya sa production team at direktor para mapag-usapan kung may mga eksenang maaaring iwasan o baguhin.

"So ang ginagawa ko na lang po, bago pa po namin gawin ang isang proyekto, magkakaroon po kami ng let's say, para mag-usap-usap kami ng production, mag-usap-usap kami ng directors kung ano po yung mga hangga't maaari maiwasan," aniya.

Gayunman, nilinaw ng aktor na hindi niya itinuturing na limitasyon ang pananampalataya sa kaniyang karera.

"Pero, I wouldn't say na limitasyon siya kasi puwede naman po yun ipagpaalam."

Inamin din niya na may ilang oportunidad na siyang hindi tinanggap dahil sa pagiging miyembro ng INC.

"Pero totoo 'yan, marami na pong mga bagay na natanggihan ko just because of my faith... Bawal kaming mag-endorso ng alak, bawal kaming mag-endorso ng sugal."

Si Ruru ay isa sa mga pinakakilalang leading men ng GMA Network at bumida na sa iba't ibang teleserye at pelikula, kagaya na lamang ng "Lolong," Black Rider," at "Green Bones."