August 04, 2026

Home BALITA National

Palasyo, idiniing nabebenepisyuhan ng pamahalaan ang middle class sector

Palasyo, idiniing nabebenepisyuhan ng pamahalaan ang middle class sector
Photo courtesy: RTVM/YT


Ipinagdiinan ng Malacañang sa press briefing na ikinasa ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Agosto 4, na may mga programa ang gobyerno na siyang nagbibigay-benepisyo para sa mga Pilipinong pasok sa middle class sector.

Kasunod ito ng katanungang ipinukol sa Palasyo dahil sa umano’y mga ayuda at social protection program na nakatutok lamang sa “pinakamahirap,” sa kabila ng umano’y pagpasan ng lower middle hanggang middle class ng malaking buwis, na ibinabawas sa kani-kanilang mga suweldo.

“Actually, kahit wala pa po itong mga tax reforms na naisin ng Pangulo, ay nabebenepisyuhan din naman po ang karamihan sa ating mga kababayan na [nandito] sa middle class [sector],” saad ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro.

Pag-isa-isa niya, “Nandiyan po ‘yong tinatawag nating Zero Balance Billing; kapag ‘ka naman po ay nagco-commute gamit ang LRT, MRT ay nagkakaroon din po ng mga discounts.”

Nabanggit din ng press officer ang apela ni PBBM sa ikalima niyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, Hulyo 27, na tanggalin na ang system loss sa electricity bills—na siyang ipinapapasan sa mga consumer.

National

Nasa'n ang Bato? Manhunt kay Sen. Dela Rosa, patuloy giit ni NBI Dir. Matibag!

“Pero maliban po diyan, ito po ang pinakamalaking naging isyu at naging topic ng ating Pangulo during SONA nitong nakaraang July,” anang press officer.

“Nandiyan po ang balak na pagbaba ng electricity cost, ito nga pong tax reforms, tax relief and incentives, kasama na ‘yong expanded healthcare benefits, at ang faster medical, financial assistance…” dagdag pa niya.

Ayon pa sa Palasyo, mababasa naman daw sa website ng Pangulo ang mga naisin nito at mga programa para sa mga middle class Filipinos sa bansa.