August 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Meiko Montefalco, pumalag sa paninisi tungkol sa umano'y pagkawala ni Patrick Bernardino

Meiko Montefalco, pumalag sa paninisi tungkol sa umano'y pagkawala ni Patrick Bernardino
Photo courtesy: Meiko Montefalco, Elaine Miranda (FB)

Mariing itinanggi ng social media personality na si Meiko Montefalco ang paratang na may kinalaman siya sa umano'y pagkawala ng kaniyang estranged husband na si Patrick Bernardino, matapos kumalat sa social media ang panawagan ng pamilya ng lalaki na mahanap ito.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Elaine Miranda, ipinost ang pahayag ng ama ni Patrick na si Rick Bernardino, na nagsasabing mahigit isang taon na umanong nawawala ang kaniyang anak, noon pang Hunyo 2025.

Batay sa post, ang kine-claim na huling nakasama ni Patrick ay si Meiko at ang kapatid nitong si Maiko at isa pang nagngangalang "Merli Ador."

Ayon sa naturang post, published as is, "Missing! Patrick Bernardino!"

"Sinundo nila Meiko kasama ng kapatid nyang si Maiko Abdula at Merli Ador noong June 19, 2025. Mula noon dina masabi ni Meiko asan anak ko pati mga kapatid nya labis nagaalala patay naba o buhay pa kanilang kapatid. Kaming pamilya ay labis nagdurusa at nag aalala dahil 1 taon na mahigit na hindi namin nakita si Patrick."

Tsika at Intriga

Meiko sa 'pagkawala' ni Patrick: 'Hindi yan nawawala dahil alam n'yong nasa rehab!'

"Inamin nya sa korte nasa kanya pero mahigit na 1 taon di nya maipakita nasaan ang anak ko! -Rick Bernardino (father of Patrick)."

"Sa pakiusap ng Tatay ni Patrick at kanyang pamilya at permiso na din ng Lawyer nila, ako ay nautusan mag post upang malaman nila kung nasan at kung ano na ang kalagayan ni Patrick Bernardino."

Photo courtesy: Screenshot from Elaine Miranda/FB

Kasunod nito ay naglabas ng pahayag si Meiko sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Agosto 3, upang sagutin ang mga akusasyon at iginiit na wala siyang kinalaman sa umano'y pagkawala ng kaniyang estranged husband, at alam daw ng kampo nito, na hindi umano nawawala si Patrick.

Sinabi rin ni Meiko na nauna nang naghain ng kaso laban sa kaniya ang kampo ni Patrick, subalit nadismiss daw ito dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensya.

Hinamon din niya ang mga nag-aakusa na idaan muli sa korte ang usapin kung nais pa nilang ituloy ito.

Sa kaniyang post, sinabi ni Meiko, published as is, "YOU KNOW THE TRUTH."

"He is NOT missing!"

"Nagfile na kayo ng kaso sakin last year, nadismiss dahil walang basehan."

"If you want a round two, let the LAW be the judge, once again."

"I lost almost everything during my relationship with him."

"Mula noon hanggang ngayon, mag-isa kong itinataguyod yong mga anak ko."

"Ako lang ngayon. MAG-ISA," aniya.

Dagdag pa ni Meiko, "Ngayong kinukuyog ako ng mundo, gagawin niyo sa akin yan kahit pinatunayan ko na sarili ko."

"Magkaroon kayo ng awa kahit sa mga anak ko na lang."

"Sa korte tayo magkita kita."

Photo courtesy: Meiko Montefalco/FB

Matatandaang nag-viral at matinding pinag-usapan ang pagsasapubliko ni Meiko sa naging umano'y pagtataksil laban sa kaniya ng mister, na umano'y may third party, noong 2025.

Maki-Balita: Umano'y 'mirror selfie' ni Patrick Bernardino kasama ang isang babae, lumikha ng eskandalo!

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Patrick hinggil sa naging tugon ni Meiko.