August 04, 2026

Home SHOWBIZ Events

'After 13 long years!' Ma Katrina Llegado, nagpasalamat matapos magwaging Miss Supranational 2026

'After 13 long years!' Ma Katrina Llegado, nagpasalamat matapos magwaging Miss Supranational 2026
Photo courtesy: Ma Katrina Llegado/FB


Labis ang pasasalamat ng Filipina beauty queen na si Ma Katrina Llegado matapos siyang tanghalin bilang Miss Supranational 2026, sa ginanap na coronation night sa Małopolska, Poland noong Sabado, Agosto 1 (oras sa Pilipinas).

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Llegado noong Lunes, Agosto 3, idiniin niya ang pagbabalik ng Supranational crown sa Pilipinas matapos ang 13 taon.

“Still sinking in,” panimula ni Llegado sa kaniyang post.

Aniya, “After 13 long years, the crown is finally back home.”

“I am your Miss Supranational 2026,” diin pa niya.

Anang beauty queen, ito raw ang “moment” para sa bawat Pilipinong naniwala, nanalangin, at hindi sumuko.

“This moment is for every Filipino who believed, prayed, and never gave up. Maraming salamat!” anang beauty queen.

Mababasa naman sa comment section ng nasabing post ni Llegado ang pagpupunyagi ng mga Pinoy matapos ang kaniyang pagkapanalo sa nasabing patimpalak.

“and to those who doubted her. belat.”

“Queen pinakaba mo kami dun sa runway challenge mo...un pla pasabog ka sa prelims and finals..We love you and we never doubted you..You are Supra above and beyond!”

“Hindi na kami nanuod ng live stream kasi alam nmin paggising nmin ng umaga suot muna yung korona...congratulations!!”

“Mabuhay ka hanggat gusto mo Katrina! Grabi yung kaba nung announcing the winner hehehe congrats again Queen”

“Congratulations for winning the SECOND INTERNATIONAL BEAUTY TITLE for the City of Taguig! Actually, pinakaba kami ng announcement. Akala ko, malalaglag ka na eh. Yun pala, ikaw ang huling babanggitin for the top 5.”

Events

Bago pumanaw: Jobert Sucaldito, isinugod pa sa ospital at ni-revive

“Kaya irit na Ng irit habang manunuod Ng Livestream e hahaha . Ano na mga bashers lubog kayo lahat ehehehe . Congratulations po”

“Congratulations our Queen,were so proud of you,,sulit yung puyat ng panonood yung tipong bumabagsak na cp mukha pero cge pa din”

“Congrats nak! Napaka husay ng performances!”

Ito na ang ikalawang korona ng Pilipinas sa Miss Supranational matapos maunang masungkit ni Mutya Datul ang Supranational crown noong taong 2013.