August 03, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Toni Fowler, pinatanggal implant sa boobey: 'Fantasy ko talaga maging flat!'

Toni Fowler, pinatanggal implant sa boobey: 'Fantasy ko talaga maging flat!'
Photo courtesy: Toni Fowler (FB)

Pinatanggal na pala ng sikat na social media personality na si Toni Fowler ang breast implant niya, matapos ang sampung taon, na mapapanood sa kaniyang latest vlog.

Mapapanood sa nabanggit na vlog ang isa-isang medical procedure na kaniyang pinagdaanan para lang mapaalis na ang implant sa kaniyang dibdib.

Sey pa ni Mommy Oni, "fantasy" raw niya na maging "flat" kaya talagang pinatanggal na rin niya; pero bago iyon, inuna na muna raw niyang ipagdiwang ang "relevance" ng bobilya niya sa ToRo family. Giit pa niya, dapat nga raw noong Mayo pa siya sasailalim sa procedure pero inuna na muna niya ang mga trabaho niya.

"Inuna ko muna yung mga trabaho ko, yung mga dapat kong tapusin, bago talaga ako nagpaopera," paliwanag niya.

Paliwanag pa ni Toni, buong buhay raw niya, talagang inimagine niya kung paano maging flat-chested dahil hindi raw niya naranasan.

Tsika at Intriga

Rosmar, bumwelta sa paratang na nagpalaglag matapos makunan

"Naging fantasy ko talaga na maging flat, 'di ba ganun naman yung buhay, kung ano wala sa 'yo, yun yung gusto mong ma-experience. Gusto kong maging flat talaga," aniya.

Bukod pa sa curiousity, aminado rin si Mommy Oni na araw-araw sa buhay niya, parang "ang bigat-bigat" ng dala niya.

"It's about time na tanggalin na ang nagpapakuba kay Toni Fowler," aniya.

Samantala, sinabi naman ng kaniyang partner na si Vince Flores na kahit flat na siya, mahal pa rin siya nito.

"Mahal na mahal padin kita kahit flat kana," aniya.

Sagot naman ni Toni, "Tinanggal ko na baka malasoon ka pag sinotsot mo."