August 03, 2026

Home BALITA Probinsya

Menor de edad na nadikit sa barbed wire, patay!

Menor de edad na nadikit sa barbed wire, patay!
Photo courtesy: Earl Valencia (FB)

Nasawi ang isang 17-anyos na babae mula sa Roxas City, Capiz, matapos madikit ang katawan niya sa isang barbed wire noong Linggo, Agosto 2. 

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City Police Station, naupo sa bakod ang dalagitang si “Angel” pagkatapos niyang mag-jogging sa baybayin ng isang lote. 

Nagpapahinga ang biktima nang masandal sa barbed wire na sinabitan umano ng live wire ng caretaker. 

Ayon pa sa ilang kaugnay na ulat, namataan na lamang ng mga residente ang katawan ni Angel na nangingitim at wala nang buhay. 

Wala umanong nakapaskil na anumang babala na may live wire ang paligid ng bakod.

Probinsya

'Batman is back!' Mga adik, tulak ng droga lagot kay Kerwin Espinosa!

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan hinggil sa nabanggit na insidente.