August 03, 2026

Home BALITA National

'Luis', posibleng mag-landfall sa Cagayan o Isabela; wind signal no. 1, nakataas

'Luis', posibleng mag-landfall sa Cagayan o Isabela; wind signal no. 1, nakataas
PAGASA

Posibleng mag-landfall sa Cagayan o Isabela ang tropical depression "Luis" ngayong hapon o gabi ng Lunes, Agosto 3, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa latest update ng PAGASA nitong hapon ng Lunes, huling namataan ang bagyo sa coastal waters ng Maconacon, Isabela.

May taglay ito ng lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 60 kilometers per hour. May kabilisan din ang pagkilos nito sa bilis na 20 kilometers per hour pa-hilagang kanluran.

"Sa kasalukuyan naaapektuhan nito ang buong Northern at Central Luzon. Kasama rin ang CALABARZON, Mindoro provinces, at Marinduque, na siyang nagdudulot ng malalakas na mga pag-ulan at mga pagbugso ng hangin," ayon kay PAGASA weather specialist Charmagne Varilla.

Umiiral naman ang southwest monsoon o habagat sa Palawan, Western Visayas, at Negros Occidental, na nagdudulot ng kalat-kalat na mga pag-ulan.

National

PNP, minamatahang i-ban mga bayolenteng pelikula sa TV?

Samantala, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Cagayan o Isabela mamayang gabi.

"Dahil sa inaasahang pagbilis nga ng pagkilos nitong si bagyong Luis, inaasahan na posible na nga 'yang mag-close approach o landfall dito sa may area sa pagitan ng Cagayan at Isabela ngayong hapon o mamayang gabi," saad pa ni Varilla.

"Kinabukasan ini-expect natin na mapapanatili pa rin nito ang kategorya niyang tropical depression habang nag-re-recurve o kumikilos pa-northeastward papalayo sa kalupaan ng ating bansa," dagdag pa niya.

Inaasahan din na malulusaw ang bagyo at magiging isa na lamang low pressure area pagsapit ng Miyerkules. 

Dahil sa epekto ng bagyo, nakataas na rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Central at Eastern Portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Eastern at southern portion ng Apayao
Eastern portion ng Kalinga
Eastern portion ng Mountain Province
Eastern portion ng Ifugao
Northern portion ng Aurora