Usap-usapan ang pagtatanggol ni "It's Showtime" host Cianne Dominguez sa co-host at Kapamilya star na si Kim Chiu, na iniisyung buntis dahil sa umano'y nakikitang umbok sa kaniyang tiyan.
Si Cianne, bago maging regular host ng It's Showtime, ay naging contestant muna sa segment nitong "Showtime Sexy Babe" noong 2022.
Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa social media ang tsikang baka nagdadalantao si Kim dahil sa umano'y naiispatang baby bump sa kaniya.
Kaya naman sa isang TikTok post, niresbakan ni Cianne ang isang commenter na nagpakilalang nurse.
Aniya, dahil nga raw nurse siya, alam niyang "baby bump" ang nakikitang umbok sa bandang tiyan ni Kim.
Sinabi pa niyang "isasauli niya ang lisensya" sa pagiging nurse kung sakaling mali siya ng espekulasyon.
Mababasa sa kaniyang komento, "Not a mom but I'm a nurse. I can tell that's a baby bump. If i'm wrong, Isusuli ko license ko."
Makikita naman ang pag-reply rito ni Cianne, "isauli mo na po, ako na nag sasabi."
Pero humirit pa ang netizen, "Te di ka na informed ni Kim?"
Tugon naman dito ni Cianne, "sabi niya sayo te?"
Hindi na sumagot ang netizen sa huling banat ni Cianne.
Photo courtesy: Screenshot from TikTok via Fashion Pulis
Samantala, tila pasimple namang binasag ni Kim ang mga espekulasyon tungkol dito matapos ding mapanood ng mga netizen ang todong paghataw niya sa "ASAP in Australia."
Pero sa kabilang banda, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Kim tungkol dito.