Tila nakahanap ng paraan ang content creator na si Jeremy Lomibao Sancebuche, o mas kilala bilang Mimiyuuuh, para sagutin ang kontrobersiyal na tanong.
Mapapanood sa latest Facebook post ni Mimiyuuuh noong Sabado, Agosto 1, ang video clip na ibinahagi niya na kuha noong bumisita siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.
Sa nasabing video, tinanong ni Boy si Mimiyuuuh kung gaano katotoo ang tsikang masyado na raw siyang sosyal at hindi na raw maabot pa ng kaniyang audience.
“Mimiyuuuh, tanong,” sabi ni Boy. “Totoo bang masyado ka nang sosyal, unrelatable ka, hindi ka na maabot, iniwanan mo ang mga followers mo sa kanal, totoo ba 'to?” Pero sa halip na sumagot, ngumiti lang ng makahulugan si Mimiyuuuh kagaya ng ginawa noon ng “It’s Showtime” host at singer na si Karylle nang tanungin siya ni Boy sa defunct showbiz-oriented talk show na "The Buzz" tungkol sa tsikang nagkamabutihan ang boyfriend niya noong si Dingdong Dantes at katambal nitong si Marian Rivera sa hit seryeng "Marimar."
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Pag ikaw kinulong sa CR!"
"le is cheeee AHAHAHAHA"
"Laro HAHAHA"
"Kaya mahal na mahal kita!!! Lalo na yung video mo. Ma’am pa void!!! Sorry luma na yon. Haha"
"Atehhhh!!!! Ginawa mo nga hahahahaahahaha kakaloka"
"marian ohhhh . nangiinis xa"
"Bwisit aangat pa ung issue nung dalawa"
"Pwede naman kasing sumagot siya na, hindi ko alam. Dahil kung ako tatanungin kung may babaeng nabuntis o kung anuman, sasabihin ko ng hindi ko alam o wala ako sa posisyon para sagutin yan. Pero yung ngumiti lang siya, na parang nambibitin siya, aaminin ko sa inyo… Na-offend ako. Nasaktan po ako."
Matatandaang nakilala si Mimiyuuuh sa mga kaniyang “kanal humor” o iyong mga content na malapit sa sikmura ng mga karaniwang tao.
Pero minsan na rin niyang sinagot sa isang podcast ang puna na iniwan na umano niya ang kaniyang mga follower sa kanal matapos makaangat sa buhay.
"Why when it comes to me na isang self-made at hard worker na ‘pag nag-share ako ng mga bagay na nakukuha ko or nae-experience ko ay bakit nagagalit ‘yong mga tao?" saad ni Mimiyuuuh.
Ayon sa kaniya, kaya raw siya nagtrabaho nang mabuti para makaalis sa kanal.
Maki-Balita: Open ka bang maging friend si ex-jowa? Karylle, may diretsahang sagot