July 31, 2026

Home BALITA Probinsya

PWD, binugbog ng erpat at ninong ng Grade-3 pupil na pinagpakitaan niya ng birdie!

PWD, binugbog ng erpat at ninong ng Grade-3 pupil na pinagpakitaan niya ng birdie!
Photo courtesy: Unsplash

Isang 29-anyos na lalaking person with disability (PWD) ang nasa kustodiya ng pulisya matapos ireklamo ng umano'y pangmomolestiya sa isang Grade 3 pupil sa Barangay Immaculate Concepcion, Quezon City, noong Huwebes, Hulyo 30, 2026.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nagsumbong umano ang batang biktima sa kaniyang ama matapos ang insidente. 

Batay sa salaysay ng pamilya, niyakap at hinalikan umano ng suspek ang bata at nagpakita pa umano ng maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Hindi nagtagal ay hinarap ng ama at ninong ng bata ang suspek. Sa isang video na kumalat sa social media, makikitang paulit-ulit na sinasaktan ng dalawang lalaki ang suspek bago ito nakatakas sa lugar.

Dahil sa insidente, nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nauwi sa pagkakaaresto ng lalaking PWD. Kasalukuyan na itong nakapiit sa Kamuning Police Station habang isinasailalim sa kaukulang imbestigasyon.

Probinsya

3 buwaya, nasagip sa Zambales!

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na nagbibigay ng espesyal na proteksiyon sa mga bata laban sa pang-aabuso at iba pang uri ng pagsasamantala.

Samantala, isinampa rin ang kasong slight physical injuries laban sa ama at ninong ng batang biktima kaugnay ng pananakit sa suspek na nakuhanan ng video.

Ayon naman sa pamilya ng suspek, ang lalaki ay dati nang sumailalim sa gamutan dahil sa kaniyang kondisyon. 

Gayunman, nilinaw ng pulisya na hindi ito awtomatikong nag-aalis ng pananagutan sa ilalim ng batas at patuloy na paiiralin ang due process habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Patuloy namang hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na iulat agad sa pulisya ang anumang insidente ng pang-aabuso sa mga bata at ipaubaya sa kinauukulan ang pagresolba sa mga kaso upang maiwasan ang paglabag sa batas.