Bumaba ang kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng aabot sa 26.64%, para sa unang anim na buwan ng taong 2026.
Ayon sa datos na inilabas ng PAGCOR noong Huwebes, Hulyo 30, umabot sa ₱43.32 bilyon ang kita ng korporasyon simula Enero hanggang Hulyo, mas mababa sa ₱59.05 bilyon sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Bumaba rin ng 27.11% ang kita nito mula sa gaming operations—na siyang nagsisilbing primary revenue source ng korporasyon.
Batay sa datos, ₱38.92 bilyon ang kita ngayong 2026 sa gaming operations, mas mababa kung ikukumpara sa ₱53.40 bilyon noong parehong panahon noong 2025.
Ayon kay PAGCOR Chairman and Chief Executive Officer Alejandro H. Tengco, ang kita ng korporasyon ay sumasalamin sa patuloy na epekto ng tensyon ng mga bansa sa Gitnang Silangan.
"Our first-half revenue results reflect the continuing impact of geopolitical tensions in the Middle East which dampened consumer spending during the first quarter and affected overall industry performance," saad ni Tengco sa kaniyang pahayag.
"While market conditions improved in the second quarter, uncertainties remain, particularly with the recent uptick in global fuel prices. Nevertheless, we remain focused on strengthening industry performance through sound regulation and close collaboration with our stakeholders to ensure that the gaming sector continues to generate meaningful revenues for nation-building," dagdag pa niya.