July 31, 2026

Home BALITA

LGU, umapelang iwasan ‘panggagatas’ umano kay Rene Baterbonia

LGU, umapelang iwasan ‘panggagatas’ umano kay Rene Baterbonia
Photo Courtesy: Municipality of Talacogon, Agusan del Sur, Rovelyn Baterbonia (FB)

Naglabas ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Talacogon, Agusan del Sur, kaugnay sa mga ginagawa at ibinabahaging content o pahayag tungkol sa nasawing atletang si Rene Baterbonia.

Si Rene ang isa sa mga student-athlete ng Ateneo na nalunod sa isinagawang team building sa Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026.

Sa isang Facebook post ng Municipal Information Office (MIO) ng Talacogon noong Huwebes, Hulyo 30, sinabi nilang nakikiusap umano ang pamilya ni Baterbonia na iwasang gumawa ng vlog o pahayag na pwedeng makapagbigay ng impresyon para manghingi ng pinansyal na tulong.

“Mahigpit na nakikiusap ang pamilya sa lahat, lalo na sa mga gumagawa ng vlog o anumang social media content, na iwasan ang pagbabahagi ng pahayag o nilalaman na maaaring magbigay ng impresyon ng paghingi o panghihikayat ng pinansyal na tulong,” saad ng tanggapan.

Bukod dito, hinihikayat din ang lahat na maging responsable sa pagpapalaganap ng impormasyon .

Probinsya

3 buwaya, nasagip sa Zambales!

Sa kasalukuyan, ayon sa lokal na pamahalaan, nagsasagawa na raw sila ng pagsisisyasat hinggil sa mga ulat ng pagpapadala ng tulong pinansyal na hindi naman umano natanggap ng pamilya Baterbonia.

Samantala, umapela rin ang lokal na pamahalaan na limitahan umano ang paggawa ng vlog sa Labnig Cemetery kung saan nakahimlay si Rene. 

Ito ay upang mapanatili ang kaayusan, respeto, at maiwasan ang ibang pang hindi magandang sitwasyon.

Matatandaang minsan nang naghayag ng pagkadismaya ang Viva artist na si Lance Carr sa mga nanggagatas sa kapuwa niya Atenista.

Ayon sa kaniya, sobrang hindi umano makatao ang ginagawa ng iba kay Rene.