July 29, 2026

Home SHOWBIZ

Jeric Raval sa pagkakaroon ng 18 anak: ‘Wag n’yo akong gagayahin!’

Jeric Raval sa pagkakaroon ng 18 anak: ‘Wag n’yo akong gagayahin!’
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Public Affairs (YT)

Nagbigay ng payo ang action star na si Jeric Raval mula sa karanasan niya sa pagkakaroon ng labing-walong anak sa iba’t ibang babae.

Kabilang kasi sa napag-usapan sa latest episode ng vlog ni Kapuso broadcast-journalist Susan Enriquez kamakailan ang tungkol sa relasyon ng mga anak ni Jeric sa isa’t isa.

Ayon sa aktor, wala naman daw siyang problema sa mga anak niya. Kilala daw ng mga ito ang isa’t isa kahit labing-walo silang magkakapatid.

“Paano mo pinapantay ‘yong pagmamahal mo sa labing-walong anak mo?” sundot na tanong ni Susan.

“Unang-una,” sabi ni Jeric, “time management. Pangalawa, pantay-pantay ‘yan, e. Tingin ko diyan, pantay-pantay. Lahat sila [nakita kong lumalaki].”

Relasyon at Hiwalayan

Yayo Aguila, hiwalay na sa jowa!

Ngunit kung maibabalik daw niya ang panahon, marami na sa kaniya ang limang anak.

“Kung ako ang tatanungin, kung mababalik ko lang 'yong panahon, siguro ang anak ko, marami na 'yong lima. Kasi ang tagal ng panahon na hindi ko na-[prioritize] 'yong sarili ko,” anang aktor.

Kaya pinayuhan ni Jeric ang mga gaya niya na huwag siyang gagayahin.“Huwag n’yo akong gagayahin, ha,” saad niya. “Mahirap ang time management. Hindi uubra do’n ‘yong time management n’yo.”

Naitawid umano ni Jeric ang labing-walong anak sa panahong patay ang industriya ng pelikula.

Iniasa niya ang pagsustento sa mga bata sa pamamagitan ng pagba-buy and sell ng mga sasakyan, pagbe-build and sell ng mga bahay, pangongontrata ng mga trusses at iba pa.

Matatandaang isa sa labing-walong anak ni Jeric ay ang dating VMX sexy actress na si AJ Raval na asawa na ngayon ni Aljur Abrenica.

Maki-Balita: Jeric Raval may 3 bagay na pakiusap kay Aljur Abrenica noon