July 29, 2026

Home BALITA

Grupo, umapelang 'wag gamiting representasyon mga hayop sa masamang ugali ng tao

Grupo, umapelang 'wag gamiting representasyon mga hayop sa masamang ugali ng tao
Photo Courtesy: via MB

Nanawagan ang Alliance for the Conservation of Enigmatic Wildlife (EnWild) na tigi-tiglan na ang paggamit sa mga hayop bilang simbolo ng masamang ugali ng tao.

Isang advocacy group ang EnWIld na binubuo ng mga batang scientist, artist, conservationist at iba pa.

Nilalayon nilang paigtingin ang panawagan para sa conservation ng enigmatic at non-charismatic species at ng habitat ng mga ito. 

Sa isang Facebook post ng EnWild noong Martes, Hulyo 28, inisa-isa nila ang mga hayop na madalas gamitin para ilarawan ang kapintasan ng tao, tulad ng ahas, baboy, at daga.

“These comparisons may sound sharp, but they unfairly project negative human behavior onto creatures that simply act according to their instincts,” saad ng grupo.

National

MVP pag inalis ang system loss charges: 'It is not a small matter, who's going to pay for that?'

Dagdag pa ng EnWild, “A snake is not deceitful, a pig is not greedy, and a rat is not malicious. They are just animals surviving in their own ecological roles.”

Isa pang halimbawa ay ang mga buwaya na madalas gamitin bilang simbolo para sa mga korap na politiko.

Anila, “Crocodiles are portrayed as greedy and ruthless, yet in reality they are ancient survivors that play an important role in wetland ecosystems. They regulate populations of fish and other animals, and their presence indicates a healthy environment.”

“To reduce them to insults is to ignore their ecological importance and the respect they deserve. The corruption we condemn is a human choice, not an animal trait,” dugtong pa ng grupo.

Kaya sa halip na gamitin umano ang mga hayop bilang simbolo ng korupsiyon o karahasan, kilalanin dapat ang katotohanan na ang tunay na ugat ng mga pag-uugaling ito ay mula mismo sa tao.