July 26, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

Ryan Gosling, gaganap bilang Ghost Rider

Ryan Gosling, gaganap bilang Ghost Rider
Photo Courtesy: via MB, Marvel Studios (FB)

Mapapabilang na ang Oscar-nominated actor na si Ryan Gosling sa lumalawig na Marvel Cinematic Universe (MCU).

Sa ginanap na San Diego Comic-Con noong Sabado, Hulyo 25, inanunsiyo ng Marvel Studios na si Ryan ang gaganap bilang bagong Ghost Rider.

Ididirek ni Shawn Levy ang pelikulang nakatakdang ipalabas sa 2028. 

Ito ang ikalawang pagkakataon niyang  magiging direktor sa ilalim ng Marvel Studios matapos ang “Deadpool and Wolverine” noong 2024.

Matatandaang unang ginampanan ni Nicolas Cage ang karakter ni Johnny Blaze, a.k.a. Ghost Rider, sa titular film na  inilabas noong 2007, na nasundan pa ng sequel na “Ghost Rider: Spirit of Vengeance” noong 2012.

Pelikula

Matt Damon, bet makatrabaho si Jericho Rosales

Samantala, inanunsiyo rin ng Marvel Studios ang ikatlong Black Panther film at ipinakilala si David Jonsson bilang bagong T’Challa.