July 26, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Maymay Entrata kay Joaquin Enriquez: 'Ikaw lang ang gusto kong uuwian'

Maymay Entrata kay Joaquin Enriquez: 'Ikaw lang ang gusto kong uuwian'
Photo Courtesy: Maymay Entrata (FB)

Nagpaabot ng sweet message si Kapamilya actress-singer Maymay Entrata para sa boyfriend niyang Fil-Am commercial model at rookie actor na si Joaquin Enriquez.

Sa latest Instagram post ni Maymay nitong Linggo, Hulyo 26, pinasalamatan niya ang Diyos sa bawat araw para sa pagbibigay Nito ng lalaking ipinagdasal niya.

Aniya, “Alam kong you’ve been through so much, my love. Ang dami mong pinagdaanan. You’ve experienced pain, feeling alone, people leaving you, hurting you, and disrespecting you.”

“Pero kahit ganon pa man, you never let your pain change who you are. You still choose to be kind. You still choose to respect people. You still choose to love. Kaya ang dali mo lang akong nakuhang mahalin ka, eh,” dugtong pa ni Maymay.

Ayon sa Kapamilya singer-actress, dumating daw si Joaquin sa buhay niya noong mga panahong nauubusan na siya ng pag-asa.

Relasyon at Hiwalayan

Alyssa Valdez, hinard launch ang jowa

"Akala ko baka hindi na talaga darating yung taong pinagdarasal ko. But God had a different plan. He gave me you. Thank you for loving me so gently," saad ni Maymay.

Hindi naman nagpadaig sa ka-sweet-an si Joaquin. Nagkomento siya sa post ng nobya para ipaalam kung gaano niya ito kamahal.

“I love you so much, my love,” aniya. “From the day I met you my life changed for the better. Here’s to 24Ever. “

Matatandaang bago dumating sa buhay ni Maymay si Joaquin, ilang taon din niyang naging karelasyon si Aaron Haskell. Isinapubliko niya ang relasyon nila noong Pebrero 2022.

Ngunit makalipas ang dalawang taon, kinumpirma niya ang hiwalayan nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Amakabogera! Maymay Entrata, ipinakilala ang kanyang non-showbiz boyfriend