July 26, 2026

Home SHOWBIZ

'Di na ako nakagalaw!' Maui Taylor, nahawakan sa ‘baba’ ng katawan niya

'Di na ako nakagalaw!' Maui Taylor, nahawakan sa ‘baba’ ng katawan niya
Photo Courtesy: Maui Taylor (FB)

Ibinahagi ng sexy star na si Maui Taylor ang naranasang pananamantala noon sa kaniya habang nasa isang event.

Para sa mga hindi nakakaalam, dating miyembro ng all-female group na “Viva Hot Babes” si Maui.

Kinabibilangan ito nina Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Jaycee Parker, Jennifer Lee, Sheree Bautista, at Asia Agcaoili.

At naitanong sa latest episode ng vodcast na “Your Honor” kamakailan kung paano pinoprotektahan ni Maui ang sarili kapag lumalabas bilang isang aktres at modelo na nagbibilad ng katawan sa publiko.

“Madami nang times na either ako or kasama ko ‘yong grupo ko, ‘yong Viva Hot Babes na nahahawakan talaga kami.  Hindi ko malilimutan ang isa sa mga area sa Rizal. Kasi ‘yon talagang frozen in place ako after,” lahad ni Maui.

Tsika at Intriga

Sigaw ni Brent Manalo: 'No to Pax Silica!'

Dagdag pa niya, “Group kami na nag-perform. Pababa kami ng stage. Siyempre, nagkagulo. May humawak sa akin sa baba. Hindi na ako nakagalaw.  As again, mommy to the rescue. Sinaboy ‘yong mineral water [sa humawak].”

Bukod dito, tsinika rin ni Maui ang tungkol sa biglang pagba-brownout sa kasagsagan ng performance ng mga kagrupo niya sa Zambonga para sa kampanya. 

“Nag-akyatan ang lahat ng audience sa stage. Tapos nahawakan na si ganito sa ganyan. ‘Yong si Gwen ‘ata o si Jen Rosendahl, binubuhat na pababa ng stage. Hindi na alam kung saan dadalhin. Wala ako noon. Luckily, wala ako no’n,” dugtong pa ng sexy star.

Matatandaang nakilala rin si Maui sa mga sexy movie na pinagbidahan niya tulad ng “Gamitan,” “Hibla,” “Sex Drive,” “Torotot,” at marami pang iba.