July 25, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Alyssa Valdez, hinard launch ang jowa

Alyssa Valdez, hinard launch ang jowa
Photo Courtesy: Alyysa Valdez (FB)

Ipinakilala na sa publiko ni volleyball superstar Alyssa Valdez ang kaniyang boyfriend sa mismong birthday celebration nila.

Sa latest Facebook post ni Alyssa noong Biyernes, Hulyo 24, ibinahagi niya ang video kung saan isa-isa niyang tinanong ang mga kaibigan at mahal sa buhay kung ano ang mga mina-manifest ng mga ito para sa kaniya ngayong taon.

Aniya, “We're here at MiraNamin celebrating my birthday and my boyfriend's birthday, Ian.

Samantala, ang mina-manifest naman daw ni Ian para sa kaniya ay ang pinaplano nilang "something big."

"We just had meetings about it this year, 'di ba. So we're planning something big, something to organize, and be intentional about what she wants to do in the future," saad ni Ian sabay sa halik sa pisngi ni Alyssa.

Relasyon at Hiwalayan

Jelai sa bagong partner ni King Badger: 'Sana ingatan mo siya para hindi na makaperwisyo ng iba'

Present din sa naturang pagdiriwang si Kapamilya star Angelica Panganiban na mina-manifest siyang makitang nakasuot ng singsing.

Matatandaang sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Nobyembre 2024 ay nausisa si Alyssa kung may bagong nagpapakilig sa kaniya.

Ito ay matapos bumisita si Japanese volleyball star Ran Takahashi sa Pilipinas para sa Volleyball Nations League (VNL).

Maki-Balita: Puso ni Alyssa Valdez, may bagong kinakikiligan?