July 24, 2026

Home BALITA

Mali! Baguio City Jail, napagkamalang paupahang unit

Mali! Baguio City Jail, napagkamalang paupahang unit
Photo Courtesy: Pexels, Baguio City Jail Female Dormitory (FB)

Usap-usapan ang ipinadalang mensahe ng isang netizen sa opisyal na Facebook page ng Baguio City Jail Female Dormitory. 

Sa latest Facebook post ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Biyernes, Hulyo 24, makikita ang screenshot ng naturang mensahe.

Mababasa rito ang pagtatanong ng netizen kung may available pa bang unit ang jail dormitory. Sinagot naman ng tanggapan ang mensahe para linawin na kulungan ang dormitory ng kababaihan at hindi pinauupahan. Humingi naman agad ng paumahin ang netizen.

“Ayuuun, staycation.. bwelooo Sakto this coming weekend, hindi na drawing ang Baguio Isang paalala na hindi po hotel ang mga jail facilities ng BJMP,” hirit ng BJMP.

Dagdag pa nila, “Patuloy naming pinagsisikapan na maging safe, secure, at sanitary ang aming mga pasilidad upang matiyak ang maayos at makataong pangangalaga sa ating mga PDL, alinsunod sa mandato ng BJMP.”

Probinsya

SK counselor arestado sa pagsapak sa kanilang Kapitana!

Umani tuloy ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wrong venue pero negotiable"

"Good thing hindi unang itinanong kung may discount or kung tumatanggap ba ng credit card payment. "

"Ayunnnn Baguio as a Friend "

"Dapat pinagbigyan niyo na"

"Baka naman kasi gusto niya mag dorm jan?"

"Free meals, high security level with developmental activities for rehabilitation...saan ka pa...."

"Ok naman talaga diyan Kasi libre lahat complete meals ,my snacks pa ,at libre pa Ang guards ni ate .." 

Ang dormitoryo sa kulungan ay isang malaking kwarto na maraming bunk beds kung saan pinagsasama-sama ang mga tao sa halip na ilagay sa pang-isahang selda. 

Samantala, ang hotel naman ay isang commercial establishment na nagsisilbing pansamantalang tuluyan ng mga byahero.