July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Mister, pinalakol lalaking bumuntis umano sa misis niya!

Mister, pinalakol lalaking bumuntis umano sa misis niya!
Photo courtesy: Pexels

Himalang nakaligtas ang isang magsasaka matapos siyang palakulin habang natutulog siya sa kaniyang bahay sa Ilagan City, Isabela.

Ayon sa mga awtoridad, bandang 8:30 ng gabi noong Hulyo 19 nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima kung saan pinagtataga niya ito gamit ang isang palakol. 

Matapos ang krimen, mabilis na naaresto ng mga awtoridad ang suspek habang naisugod naman agad ang biktima sa ospital kung saan siya nagpapagaling.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, personal na galit ang motibo ng suspek laban sa biktima. Kuwento ng suspek, naniniwala raw siyang nagkaroon ng palihim na relasyon ang misis niya at ang biktima. 

Iginiit din ng suspek na nabuntis ng biktima ang kaniyang misis kung kaya niya nagawa ang krimen.

Probinsya

Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng ilang de-lata sa convenience store

Nasa kustodiya na ng Ilagan Component City Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong Frustrated Murder na isasampa laban sa kaniya.