Mariing kinondena ng bansang Canada ang insidente ng pag-atake ng Chinese Coast Guard (CGG) sa Ayungin Shoal noong Lunes, Hulyo 20, kung saan isang personnel ng Philippine Navy (PN) ang napaulat na nasaktan.
Sa isang pahayag na inilabas ng Embassy of Canada in the Philippines nitong Miyerkules, Hulyo 22, idiniin nila ang kanilang pagtutol sa paggamit ng “intimidation” at “unilateral actions” na anila’y may epekto sa “stability” ng rehiyon.
“Canada is concerned by the troubling incident that injured a Filipino Marine in the South China Sea on July 20,” saad ng Canada.
“We oppose the use of intimidation and unilateral actions that risk the safety of vessels & undermine regional stability. Disputes must be resolved peacefully in accordance with UNCLOS,” giit pa nila.
Maliban sa Canada, kinondena rin ng Estados Unidos ang naturang pag-atake, na inilarawan nila bilang mapanganib na aksyon mula sa China.
“The United States condemns China’s dangerous and escalatory actions at Second Thomas Shoal on July 20 that injured a Philippine service member serving on the BRP Sierra Madre,” saad ni United States Ambassador to the Philippines H.E. Lee Lipton sa kaniyang pahayag noong Martes, Hulyo 21.
MAKI-BALITA: US, kinondena ‘dangerous,’ ‘escalatory actions’ ng China sa Ayungin Shoal-Balita
Matatandaang isa ang Canada sa mga bansang nagpakita ng suporta sa Pilipinas hinggil sa pagkapanalo nito sa isyu ng South China Sea.
MAKI-BALITA: Pilipinas, 13 bansa iginiit suporta sa 2016 South China Sea Arbitral Tribunal Award-Balita