July 24, 2026

Home BALITA Probinsya

140 pagong na 'critically endangered,' pinakawalan sa katubigan

140 pagong na 'critically endangered,' pinakawalan sa katubigan
Photo courtesy: DENR Zamboanga Peninsula/FB


Matagumpay na pinakawalan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Imelda, kasama ang mga opisyal ng lokal pamahalaan at partner agencies, ang aabot sa 140 critically endangered Hawksbill sea turtle hatchlings sa Pandilusan Island, Payao, Zamboanga Sibugay noong Linggo, Hulyo 19.

Ayon sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Zamboanga Peninsula noong Martes, Hulyo 21, tanda raw ito ng isang “significant milestone” sa konserbasyon ng marine biodiversity.

“The transfer was undertaken to protect the developing hatchlings, ensure their safe emergence, and improve their chances of survival before they were released into their natural marine habitat,” saad ng DENR Zamboanga Peninsula.

Paliwanag ng ahensya, ang Hawksbill sea turtles ay itinuturing sa buong mundo bilang critically endangered dulot ng pagkawala ng kanilang habitat o natural na tahanan, marine pollution, at poaching.

Probinsya

‘False alarm’ sa San Jose National High School, nagdulot ng panic; mga estudyante, pinayagang umuwi


Dagdag pa nila, ang mga nasabing species ng pagong ay mayroong “irreplaceable role” pagdating sa pagpapanatili ng kalusugan ng coral reefs sa katubigan.

“Today’s collaborative release on Pandilusan Island highlights the ongoing commitment of CENRO-Imelda and its institutional partners to preserve vulnerable nesting habitats and protect the next generation of marine life,” pagtatapos ng DENR Zamboanga Peninsula.