July 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, pinuri si Jessica Soho: ‘She’s very good’

Vice Ganda, pinuri si Jessica Soho: ‘She’s very good’
Photo Courtesy: VIce Ganda, Jessica Soho (FB)

Tila nabuhayan ng pag-asa ang ilang netizens na magkakaharap na sina Unkabogable Star Vice Ganda at Kapuso award-winning journalist Jessica Soho.

Lumulutang kasi ngayon sa social media ang video clip mula sa isang episode ng “It’s Showtime” kamakailan kung saan isang contestant ng “Laro Laro Pick” ang inusisa tungkol sa iniidolo nitong mamamahayag.

"Sinong pinaka-idol mong broadcaster or journalist?" tanong ni Vice sa contestant na si Jelo.

Sagot ni Jelo, "Si Ma'am Jessica Soho po."

"Yes," pagsang-ayon ng Unkabogable star. "We love Jessica Soho. She's very good."

Tsika at Intriga

Vice Ganda kahit sinita 'toxic fans' ni Kim Chiu: 'Ay di po kami magkaaway!'

Dagdag pa niya, "We all watch KMJS [Kapuso Mo, Jessica Soho]. Very good."

Umani tuloy ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"napplastikan ako bumabalik ang ala ala about rape victims and gang bang "

"i feel like malapit na sila mag usap in God's perfect time"

"Sana mag healed na ang issue sa pagitan nina meme @vicegandako and @KM_Jessica_Soho"

"One of the thing na hinihintay ko ang magkatagpo sila parehas sa iisang show. Showtime interview man or sa KMJS mismo, or kahit sa vlog ni Vice. "

"People change"

"Sana magkapatawaran na ang dalawang taga-La Union"

"PLASTIC Vice Ganda tas sasabihin mo na love mo c ms Jessica soho "

Bago pa man ito, nauna nang nagkaroon ng espekulasyon ang mga netizen na bet ni Vice na mag-guest sa isang programa ng GMA Network noong lumipat ang “It’s Showtime” sa GTV.

Hula ng ilan, kung hindi man sa "Fast Talk with Boy Abunda," malamang daw ay sa KMJS, nang sa gayon ay magkaroon na ng closure ang mga nangyari noon.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Jessica ang biro ni Vice tungkol sa kaniya sa concert nitong “I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta” noong 2013. 

Pinalagan ng award-winning journalist ang binitawang biro ng komedyante at sinabing hindi magandang gawing katatawanan ang gahasa. 

Humingi naman agad si Vice Ganda ng paumanhin sa kaniyang nasabi kay Jessica.