July 23, 2026

Home SHOWBIZ

Stand-up comedian, pinagbawalan ng misis na i-guest si Maria Ozawa sa podcast

Stand-up comedian, pinagbawalan ng misis na i-guest si Maria Ozawa sa podcast
Photo Courtesy: Jeannie Laccay, Maria Ozawa (FB)

Ibinahagi ng writer at stand-up comedian na si GB Labrador ang isa sa mga bihirang request sa kaniya ng asawa niyang si Jeannie Laccay. 

Nausisa kasi si GB sa latest episode ng vodcast na “Your Honor” ng GMA network kamakailan kung dumating na raw ba sa puntong nagkapikunan silang mag-asawa.

Pero sabi ng stand-up comedian, “Hindi. Kasi si Jeannie komedyante rin siya, e. Wala ring room na magkapikunan kami ‘pag nagbibiruan. Pero sa podcast mayro’n lang siyang isang request na ayaw niyang i-guest si Maria Ozawa.”

“‘Pag magre-request siya, iho-honor ko ‘yon,” pagpapatuloy niya. “Kasi bihira siyang mag-request, e. Kasi nadadala ko sa biro ‘yong pinapanood namin ‘yan ng mga kaibigan ko no’ng college ako.”

“Sabi niya [ni Jeannie], ‘ayaw kong i-guest mo ‘yan kasi alam ko ‘yong istorya n’yong magkakaibigan na pinapanood n’yo ‘yan habang nag-iinuman kayo. Tapos biglang makakatabi mo,” dugtong pa ni GB.

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Sundot tuloy ng host na si Chariz Solomon, “Dapat huwag na siyang magselos do’n kasi siya naman ang Maria Asawa mo.”

Dahil dito, napahagalpak tuloy ng tawa si GB. Pero paglilinaw niya, hindi naman daw selosa ang misis niya.

“‘Yon nga lang, ‘pag magre-request siya, dahil bihira siyang mag-request, then honored ‘yong request na ‘yon,” sabi pa ng komedyante.

Matatandaang si Maria, o kilala rin sa stage name niyang “Miyabi,” ay isang former adult film actress na may dugong “Japanese” at “Canadian,” na isinilang noong Enero 8, 1986 sa Hokkaido, Japan.

Nagsimula ang karera niya sa adult film industry mula sa 2005 hanggang 2010. Isa siya sa mga top adult video star sa Japan.

Minsan na siyang naging bahagi ng pelikulang “Nilalang” noong 2015 at sa historical drama series ng GMA Network na “Pulang Araw” noong 2024.

Kaugnay na Balita: Maria Ozawa, binenta suot na panty kay Boss Toyo; pinasinghot pa sa 'ilong ranger'