July 21, 2026

Home BALITA Politics

Kahit tinawag na minion: NBI Dir. Matibag, dedma sa hanash ni Sen. Alan

Kahit tinawag na minion: NBI Dir. Matibag, dedma sa hanash ni Sen. Alan
Photo courtesy: via NBI, Screengrab Alan Peter Cayetano/FB

Hindi umano tinablan ng pasaring si National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Melvin Matibag mula pagtawag sa kaniya bilang “minion” ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Sa inilabas na pahayag ng NBI, iginiit nilang kumikilos ang kanilang tanggapan batay sa mga ebidensya at hindi raw nakabase sa mga pangungutya.

"No one in the Bureau will take offense at the label, now will it be answered in kind. The Bureau's work rests on evidence, on documents and on the law---and none of these is moved by name-calling," anang NBI.

Muli ring binigyang-linaw ng NBI ang imbestigasyong idinidiin nila laban kay Cayetano kaugnay ng umano'y anomalya sa 2019 Southeast Asian Games.

"The Director answers to no one's interest but the public's. The inquiry into the conduct and financing of the 2019 Southeast Asian Games was opened for a single reason: billions in public funds appear to have been disbursed outside the ordinary safeguards of competitive bidding and government audit, and the Filipino people are entitled to know how their money was spent. That question stands regardless of who asks it or who is discomfited by it," saad ng pahayag.

Politics

Utol ni Sen. Alan, bet makipagtulungan kay Sen. Ping tungkol sa 'ghost project' sa Taguig!

Matatandaang noong Linggo rin nang muling tumirada si Cayetano laban kay Matibag at inihalintulad ang NBI Director sa nasabing karakter sa pelikulang Despicable Me.

"Ang nangyayari po ngayon ay may mga mastermind talaga at may mga minions...," ani Cayetano.

Hirit pa niya habang itinuturo ang movie character sa kaniyang t-shirt, "'Yang minion na 'yan, ang pangalan n'ya ay Melvin, so shoutout sa iyo ngayong Sunday na ito, Melvin the Minion," anang senador.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon si Cayetano hinggil sa naging sagot sa kaniya ng NBI.