Nagkaroon ng pagpupulong sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapamilya Primetime King Coco kaugnay sa ilulunsad na proyekto ng AKTOR o League of Filipino Actors.
Ang AKTOR ay isang komunidad ng mga empowered Filipino actor na sama-samang iniaangat ang isa't isa at ang kanilang craft.
Si Dingdong ang nagsisilbing chairman ng nasabing grupo.
Sa latest Instagram post ni Dingdong noong Linggo, Hulyo 19, ibinahagi niya ang serye ng mga larawan nila ni Coco.
“Magkaiba man ang programa, iisa lang ang layunin: pagmamahal at pagpapalakas ng ating industriya,” saad ni Dingdong.
Dagdag pa niya, “Isang magandang Sunday meeting, may kasamang masayang kwentuhan at makabuluhang palitan ng mga ideya, para pag-usapan ang isa na namang proyektong ilulunsad ng AKTOR.”
Umani tuloy ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga kasama at kaibigan nila sa industriya. Narito ang ilan sa mga komento:
John Arcilla: "Its a yes for me"
Eruption Tai: "I got nothing but huge respect to these brothers in arms right here! "
Jerald Napoles: "Mga idol ko "
Irene Villamor: “love “
Sa kasalukuyan, parehong magkatapat sa primetime ang “The Master Cutter” ni Dingdong Dantes at “Sigabo” ni Coco.