July 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Babaeng nagpuslit ng shabu sa kiffy para sa jowa niya sa piitan, tiklo!

Babaeng nagpuslit ng shabu sa kiffy para sa jowa niya sa piitan, tiklo!
Photo courtesy: Unsplash

Kalaboso ang modus ng isang babaeng 56 taong gulang matapos siyang mahulihan ng shabu sa Nueva Ecija Provincial Jail.

Ayon sa mga ulat, nabisto ng mga awtoridad ang ipinuslit niyang 0.9 gramo ng shabu, matapos siyang inspeksyunin sa pagbisita niya sa kulungan para sa kaniyang boyfriend. 

Sa pag-aakalang hindi mapapansin ang pagpupuslit niya ng ilegal na droga, itinago ng suspek ang shabu sa maselang bahagi ng kaniyang katawan. 

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6,120.

Ayon pa sa mga awtoridad, posible umanong matagal nang ginagawa ng suspek ang pagpupuslit ng droga sa tuwing binibisita niya ang kasintahang nakapiit sa men’s custodial facility.

Probinsya

DepEd, iniimbestigahan na pagkasawi ng Grade 3 learner sa Davao City

Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.