July 23, 2026

Home BALITA

2 Pinoy seafarers, patay sa drone strike sa Black Sea; 1 pang Pilipino, nawawala rin!

2 Pinoy seafarers, patay sa drone strike sa Black Sea; 1 pang Pilipino, nawawala rin!
Photo courtesy: via AP news

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkasawi ng dalawang Pilipinong seafarers na lulan ng barkong tinamaan ng drone strike sa Black Sea nitong Lunes, Hulyo 20, 2026.

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, maliban sa dalawang nasawi, umabot pa sa 12 ang napaulat na nasugatan habang isang Pinoy pa ang nawawala.

Nabanggit din ng kalihim na magmula pa noong Hulyo, ay tinatayang 9 na barko na may sakay na mga Pilipinong seafarers ang napaulat na naapektuhan ng iba't ibang drone strikes habang naglalayag sa northern Black Sea o hindi naman kaya ay habang dumadaong sa mga pantalan sa southern Ukraine.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa natutukoy ng DMW ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at nawawalang biktima. 

Nagpapatuloy umano ang kanilang koordinasyon sa manning agencies, ship owners at mga kaanak ng mga Pilipinong sakay ng apektadong barko.

2 PH Navy na pinukpok sa ulo ng CCG, makatatanggap ng tig-₱100k!

Ang Black Sea ay kabilang sa mga karagatang ikinokonsidera ng International Bargaining Forum (IBF) blilang isang "high-risk"na lugar para sa pandaigdigang kalakalan.