Nahuli sa akto ng isang netizen at motorista ang lantarang pananalisi ng ilang kalalakihan sa isang truck sa Road 10, Maynila, kinagabihan ng Sabado, Hulyo 18.
Mapapanood sa kumakalat na video na ito sa social media, na sa kalagitnaan ng trapiko, isang lalaki ang lakas-loob na sumampa sa likod ng truck, at hawak ang isang matalim na bagay, nilaslas niya ang lonang nakatakip sa mga kargamentong karga rito.
Maya-maya pa, tila nagtawag na ito ng back-up sa kaniyang mga kasamahan upang makahatak ng ilang laman ng truck.
Dahil mukhang mabigat ang mga kargamento at hindi umaandar ang mga sasakyang naipit sa trapiko, natiktikan na ng sakay ng mismong truck ang pagnanakaw na nangyayari at matapang na inambahan ang kalalakihan ng stick upang bugawin palayo ang mga ito.
Sa kabutihang palad, walang nanakaw na kargamento ang mga nasabing lalaki.
Sa kabilang banda, mababasa sa comment section ang pagkadismaya ng netizens.
“Hahaha remulla safe na safe na eh no hahaha”
“Harap-harapan na talaga”
“Yan na Yung mga tamad na ayaw mag trababaho para may makain..Gusto nila pang madalian lang...Yan ung mga taong Wala Disiplina sa Sarili..Kaya mga taong bayan din Ang nagpapabigat Ng lipunan Hindi marunong maghanap Buhay mga ganyan.”
“Tapos ibenta lang pambili ng ano nila”
“Ang lakas na ng loob ngayon ng mga magnanakaw, lantaran na. Ano na BBM???”