Isiniwalat ni Kapuso artist Inah de Belen na ang nanay pa raw niya mismong si Janice de Belen ang naghimok na magsama na sila sa iisang bubong ng nobyo niyang si Jake Vargas.
Napag-usapan sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Hulyo 17, ang tungkol sa pagli-live in nina Inah at Jake sa loob ng ilang taon. Inusisa ang dalawa kung bakit sila nagdesisyong gawin ito.
Aniya, “Something happened kasi 5 years ago. So I think my mom just suggested. She actually was the one who suggested na ‘Bakit hindi na lang kayo mag-live in?’”
“During that time, I was always not at home anymore. Halos every day, every week siya na ‘yong kasama ko,” dugtong pa ni Inah.
Ayon sa Kapuso artist, nagulat daw siya nang una niyang marinig ang mungkahing ito mula sa kaniyang ina.
“But then, leading up to that, I have already thought about it. We were talking about it na rin. Pero hindi naman kami talaga nagpaplano na, ‘O gagawin natin ha,’” sabi pa ni Inah.
Matatandaang minsan nang sinita ng isang netizen ang pagli-live in nina Inah at Jake nang ibahagi nila ang video ng pagsasayaw nila sa saliw ng kantang “Man I Need” ni Olivia Dean.
Sabi ng netizen, “Ang babata pa nag live in na.”
“[N]ay 33 years old na po kami magresearch po muna kayo,” sagot naman ni Inah.
Nagsimulang mabuo ang relasyon nina Inah at Jake noong 2016 nang magkasama sila sa isang Kapuso teleserye.
Maki-Balita: Inah De Belen, pumalag sa paninita ng netizen sa pagli-live-in nila ni Jake Vargas