July 19, 2026

Home BALITA

Bagong uri ng unggoy, naispatan!

Bagong uri ng unggoy, naispatan!
Photo courtesy: Atlantic University

Isang bagong species ng unggoy ang natuklasan ng mga eksperto sa makakapal na kagubatan ng Democratic Republic of Congo, na itinuturing na isa sa iilang bagong monkey species na naitala sa Africa sa nakalipas na 75 taon.

Ayon sa mga mananaliksik, ang bagong species ay tinatawag ng mga lokal na "Likweli" at pormal na pinangalanang Colobus congoensis. 

Kilala ito sa kakaibang anyo dahil sa mapusyaw na kulay ng balat na nakapalibot sa bibig at ilong nito, na nagbibigay rito ng tila "maskara" na hitsura.

Bukod sa natatanging itsura, natuklasan din sa pag-aaral na iba ang estruktura ng tunog ng pag-ungol ng naturang unggoy kumpara sa iba pang uri ng colobus monkey.

Ayon sa Florida Atlantic University, ang pagkakadiskubre sa Colobus congoensis ay ikalima pa lamang na pagkakatuklas ng bagong species ng unggoy sa Africa sa loob ng nakalipas na pitong dekada.

Metro

Barzaga, dumalo! UPI, nagdaos ng anti-corruption rally sa Liwasang Bonifacio

Sinabi ni John Hart, isang conservation scientist ng Lukuru Wildlife Research Foundation, na mahalaga ang natuklasang species sa pag-unawa sa lawak ng biodiversity sa rehiyon.

"This discovery reinforces how much biodiversity remains undocumented in the Central Congo Basin," said John Hart, a conservation scientist from the Lukuru Wildlife Research Foundation.

Gayunman, nagbabala ang mga mananaliksik na maaaring nanganganib na agad ang bagong species dahil sa maliit na sakop ng tirahan nito at limitadong populasyon. Dahil dito, iminungkahi nilang ikonsidera ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) ang pag-uuri sa Colobus congoensis bilang isang endangered species upang mabigyan ito ng karampatang proteksyon.