July 27, 2026

Home BALITA National

Palasyo, inaasahang walang drama, pagtatago ng katotohanan sa sunod na yugto ng paglilitis vs VP Sara

Palasyo, inaasahang walang drama, pagtatago ng katotohanan sa sunod na yugto ng paglilitis vs VP Sara
Photo courtesy: RTVM/YT, MB


Iginiit ng Malacañang na umaasa silang ang susunod na bahagi ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay walang drama, walang pagtatago sa katotohanan, at walang paglihis sa tunay na isyung tinatalakay sa paglilitis.

Kasunod ito ng pahayag ng prosekusyon kung saan sinabi nilang sapat na anila ang mga testigo at ebidensyang nailatag nila hinggil sa Article IV ng impeachment trial kontra sa Pangalawang Pangulo.

“Ang inaasahan po natin ay walang drama, walang pagtatago ng katotohanan, at walang pag-iwas sa totoong isyu na kinakaharap dito sa impeachment trial,” saad ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa isinagawang press briefing ng PCO nitong Huwebes, Hulyo 16.

Giit ng press officer, ang nais lang naman daw kasi ng lahat ng Pilipino ay malaman ang katotohanan hinggil sa mga isyung pinag-uusapan sa paglilitis.

“Gusto lang naman din po ng lahat ng ating kababayan ay lumabas ang katotohanan at hindi ang drama sa loob ng Senado,” anang press officer.

National

‘It will bring quality jobs!' PBBM, aprub na sa Pax Silica?

Matatandaang ikinasa noong Miyerkules, Hulyo 15, ang ikaanim na araw ng impeachment trial laban sa bise presidente.

Sumentro ang paglilitis sa bank records, tax returns, at iba pang kaugnay na dokumento na konektado sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman at assets ni VP Sara.

Samantala, susunod namang tetestigo para sa ikaapat na artikulo ng impeachment si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa darating na Martes, Hulyo 21.

Siya na lamang ang natitirang testigo para sa nasabing artikulo.