July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

2 menor de edad na nagkatitigan nauwi sa rambol, isa nasaksak!

2 menor de edad na nagkatitigan nauwi sa rambol, isa nasaksak!
Photo courtesy: Unsplash

Isang 16-anyos na binatilyo ang nasugatan matapos umanong saksakin ng kapwa niya menor de edad kasunod ng komprontasyon sa labas ng isang paaralan sa Barangay Ma-ao, Bago City, Negros Occidental.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naghihintay umano ng masasakyang pampasaherong sasakyan ang biktima nang magkaroon ng tensiyon sa pagitan niya at ng isa pang kabataan na nauwi sa mainitang pagtatalo at kalaunan ay pisikal na komprontasyon.

Lumabas sa pagsisiyasat na nauwi sa suntukan ang insidente bago umano bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima sa iba't ibang bahagi ng katawan, kabilang ang leeg at dibdib.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima upang mabigyan ng kinakailangang lunas, habang nakialam ang ilang residente upang mapigilan ang karagdagang karahasan sa lugar.

Sa karagdagang impormasyon mula sa mga awtoridad, dati umanong nag-aaral ang suspek sa paaralang malapit sa pinangyarihan ng insidente ngunit kalaunan ay inilipat sa ibang eskwelahan ng kanyang mga magulang.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Kasalukuyang nasa ilalim ng intervention program sa isang reformation center sa lungsod ang menor de edad na suspek alinsunod sa umiiral na mga batas para sa mga kabataang nasasangkot sa paglabag sa batas.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag ang mga pamilya ng biktima at ng suspek kaugnay ng nangyaring insidente.