How true ang kumukalat na tsikang nahaharap umano sa patong-patong na kaso ang asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle?
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Hulyo 13, kabilang sa mga napag-usapan ang tungkol sa sikat na aktres na tila hindi umano alam ang ginagawa ng mister at ang estado ng negosyo nito.
Ayon sa co-host ni showbiz insider Ogie Diaz na si Tita Cora, ang ugat umano ng kasong kinakaharap ng lalaki sa Department of Labor and Employment (DOLE) ay dahil sa hindi agarang pagbibigay ng sahod sa mga empleyado nito.
“Itong asawa ni aktres e may patong-patong palang reklamo sa kaniya at kaso sa DOLE. Dahil nga hindi raw naibibigay ‘yong mga sahod. Delay-delay daw po ‘yong kanilang sahod pati ‘yong last pay,” saad ni Tita Cora.
Dagdag pa niya, “At mukhang hindi raw alam ni aktres ‘yong nangyayari sa kaniyang asawa na pa-bankrupt na raw ‘yong company.”
Kalaunan, pinangalan sa nasabing showbiz-oriented vlog na ang mister umano ni Iza ang tinutukoy sa likod ng inispluk na blind item.
Pero sabi ni Ogie, “Baka this time na binabalita natin ito, baka naman inaayos naman na.”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Iza at Ben hinggil sa naturang isyu. Bukas naman ang Balita para sa panig ng mag-asawa.