July 15, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Face card updated: Awra Briguela, nagpailong!

Face card updated: Awra Briguela, nagpailong!
Photo courtesy: Screenshots from Awra Briguela (IG)

Tila may sorpresa sa kaniyang fans, supporters, at maging bashers ang TV at social media personality na si Awra Briguela, matapos niyang i-flex ang pagsasailalim niya sa nose procedure.

Sa social media accounts ni Awra, ibinida niya ang maiksing video clip ng kaniyang pag-awra-awra habang makikitang may benda ang kaniyang ilong.

Bagama't hindi idinetalye, hinuha ng mga netizen na sumailalim siya sa isang procedure para mas ma-enhance pa ang kaniyang ilong.

"FACE CARD: UPDATED," sey ni Awra.

Excited naman ang mga netizen sa grand reveal ni Awra sa bagong looks niya.

Tsika at Intriga

Dominic, Sue susunod sa kasalang Bea-Vincent?

"cant wait sa susu, happy for u ma"

"AYAN NA SIYAAAAAA"

"YASSSSSSSSSSSS"

"pasabog ka talaga"

Kung babalikan, lagi na lang nabibiktima ng online bullying dahil sa kaniyang looks.

Kahit nga "babaihan" na siya, lagi pa rin siyang inaasar ng bashers na kahawig ng basketball player na si Bronny James, bagay na sinasalag naman ni Awra.

May moment pa nga na sinakyan na lang ni Awra ang panlalait sa kaniya, at nagpa-photoshoot na lang na peg si Bronny James para matapos na ang pam-bu-bully sa kaniya.