Inintriga ng mga netizen ang kapatid ni Sen. Robin Padilla na si BB Gandanghari matapos nitong ibida ang ilang social media posts na nagpapakita sa pagdalaw, pakikihalubilo, at pagsuporta sa naulilang pamilya ng pumanaw na basketball player at miyembro ng Ateneo Blue Eagles na si Rene Baterbonia.
Batay sa mga kumakalat na ulat, at maging sa pahiwatig na rin ni BB sa kaniyang posts, mukhang siya raw ang magdidirehe sa gagawing biopic movie ng pumanaw na basketball player.
Sa Instagram post ni BB nitong Martes, Hulyo 14, tila nagbabadya na siya na sisimulan na ang paghahanap nila ng mga artistang gaganap sa mga magulang ni Rene.
"The Search is ON…. Who will be?! Mommy Rovelyn, Daddy Rene and BOBET!! Abangan…" saad ni BB sa kaniyang post.
Sa isa pang Instagram post, makikita ang pagsuot ni BB ng jersey ni Bobet.
"It is with deep respect and honor that I get to wear your jersey, even just for a day. We will not forget…" aniya.
Sa comment section ng posts, marami naman ang nagpahayag ng kanilang excitement sa ilalabas na pelikula patungkol kay Bobet.
"Hindi ka namin personally kilala Bobet pero madami kami na taga hanga mo. Salamat sa inspirasyon. Sana Maka it mo na nag hustisya."
"I love you bb ur the sweetest. U are my idol since then, I like you more the way you pay respect for Rene. Justice for Rene plz lord god."
"Wowowow! Sana ako din ma experience ko din syq. He is an inspiration to all young people. If given the opportunity to wish aside sa family ko, please holy spirit balik mo itong batang ito. Hay."
"I cant wait to watch this movie.. omgg mag ready na sa tissue and popcorn."
Sa kabilang banda, hindi naman nakaligtas si BB sa pang-iintriga ng bashers, na nagparatang sa kaniyang "gatas na gatas" at "gamit na gamit" ang yumaong basketball player.
"Gatas na gatas ng mga DDilis ang kamatayan ni Rene," saad ng isa.
Banat naman ng isa, "Gamit na gamit ni accla yung namatay. Jusko."
Okray naman ng isa patungkol sa pagiging direktor ni BB sa pelikula, "Director????????? Sino????? Si Bakla?????? Diyusmiyo.... ano naman ang K ng baklang yan na mag direk?????? Wala naman syang napatunayan pa as an actor!!! Ano bang matinong pelikula ang nagawa nyan????? Sana naman kung gagawing pelikula ang buhay ni Rene, sana ang magdirek ay yung may napatunayan na. Huwag naman sanang sayangin ang pagkakataon. Tutal gamit na gamit nyo na yung pagkamatay ni Bobet. Sobra nyo ng nagatasan. Tsk tsk."
Isang basher pa ang nagsabing huwag daw balakin ni BB na pumasok sa politika kagaya ng kapatid na si Sen. Robin.
"Huwag kang tatakbo sa pulitika at matatalo ka lang kasi sirang sira na kayo ni Robin," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from BB Gandanghari (IG)
Sa kabilang banda, ilang supporters naman ang bumarag sa mga nabanggit na bashers at ipinagtanggol si BB.
"kung wala kang magandang sabihin sa tao manahimik ka nalang sana at sarili muh atupagin muh ng sa ganun me silbi ka din sa lipunan ng wala kang inaapakan na tao.dami mung satsat kala muh naman me ambag ka sa buhay nila"
"grabe naman kayo, pati ba naman yong nakikiramay hinahaluan mupa ng politica grabe respito nalang din sana sa pamilya ng naiwan ni bobet Hindi naman nangampanya Yan c bb gandang hari kundi dumalaw at nakikiramay hay Iwan noypi talaga grabe Ang mined set"
"alam mo ba na yung malikom na pera galing sa movie na gaganapin ay ipapatayo nang mga pangarap ni Rene? Kung ayaw mo sa mga Duterte wag mong isali dito pwera nalang kung mag donate ka nang milyon para mapagawan nang museum si Rene. Bakit ba ang kikitid nang mga utak ninyo? Bantay bitaw inag pagawas anang movie about Rene’s Life bantay manan-aw mo ha? Kung maka kuan mo wala raba gyud moy natabang!!! Cge’g hate uy!"
"gamit na pala ung gagawa ng movie ung isang tao? Inang mindset yan."
Samantala, hindi naman nag-react si BB sa nabanggit na pam-ba-bash. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.