Ibinahagi ng Government Service Insurance System (GSIS) sa publiko ang pagtataas ng kanilang funeral benefit para sa mga manggagawa ng pamahalaan at kwalipikadong pensioners sa ₱50,000.
Sa pahayag ng GSIS nitong Lunes, Hulyo 13, epektibo ang pagtataas na ito para sa claims ng pagkamatay mula ngayong Hulyo 13 at sa mga susunod na araw matapos nito.
Anila pa, mula sa dating ₱30,000 itinaas sa ₱50,000 ang funeral benefit upang makapagbigay ng mas malaking tulong pinansyal sa mga manggagawa at pensioners.
Sa hiwalay na pahayag, inanunsyo ng GSIS na bukas na ang kanilang mga opisina sa buong bansa mula Lunes hanggang Biyernes sa regular na office hours simula ngayon ding Hulyo 13.
Para sa mas maginhawang pagbisita ng publiko, narito ang mga lokasyon ng GSIS Ginhawa Service Hubs:
• Festival Mall Alabang (Parkway Entrance, sa harap ng Savemore)
• Robinsons Galleria, Ortigas Digiworld, Lower Ground Floor
• Robinsons Novaliches 3rd Floor (near LTO)
• Robinsons Place Dasmariñas 3rd Floor (near iQor)
• SM Mall of Asia, Pasay City Government Service Express, 2nd Floor North Wing
Samantala, nananatiling accessible ang digital services ng GSIS, kabilang dito ang GSIS Touch, Appointment Buddy, at ang GSIS Contact Center sa mga numerong 8-847-4747.