Tumilapon ang 89 taong gulang na lalaking tumatawid sa pedestrian lane sa Infanta, Quezon noong Linggo, Hulyo 12, 2026.
Batay sa kuha ng CCTV kung saan nangyari ang aksidente, mapapanood ang maingat na pagtawid ng matanda nang bigla na lamang siyang nabangga ng van sa gitna ng pedestrian lane.
Sa lakas ng pagkakabangga ay humagis ang biktima ng ilang metro sa kalsada.
Napag-alamang ang biktima ay pasyente ng katapat na ospital kung saan nangyari ang aksidente. Bibili lang daw sana ng pagkain ang matanda noong nahagip siya ng van.
Nagtamo ng mga sugat sa mukha ang biktima na nagresulta ng pamamaga nito. Isinailalim na rin siya sa X-ray at CT scan upang masigurong walang nabaling buto o napinsala sa kaniyang katawan.
Kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital ang biktima. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung tuluyan nga bang sasampahan ng kakukulang reklamo ang driver at sakay ng nasabing van.