Ibinuking ni Kapuso comedienne Pokwang na hindi na raw gusto pang makita ng anak niyang si Malia ang ama nitong si Lee ‘O Brian na kasalukuyan nang naka-deport sa Pilipinas.
Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Hulyo 11, nagsilbing guest si Pokwang para mag-promote ng bago niyang pelikula sa Cinemalaya 2026 na pinamagatang “2 Valid IDs.”
Ngunit bago niya ilahad ang kuwento sa likod ng pelikula, nahagip muna sa usapan ang tungkol kina Lee at Malia.
Sabi ni Ogie, “Siyempre, ang aking inaanak na si Malia ay nagkakamalay na unti-unti sa mga nangyayaring kaganapan sa paligid niya?
“Wala,” sagot ni Pokwang. “Ito, ha. Walang echos, mare. Sinabi ko sa kaniya, tinanong ko siya, gusto mo bang makita someday si Pudreks [Lee]? Sabi niya, no. What should I?”
“Sabi ko, siyempre tatay mo pa rin ‘yan kahit papaano. ‘No, you’re the one who provide for me.’ Walang echos ‘to ha. Sinabi niya talaga sa akin ‘yon,” dugtong pa ng komedyante.
Ngunit iginiit pa rin umano ni Pokwang kay Malia na darating umano ang panahon na hahanapin nito si Lee at sinabi niyang wala naman itong problema sa kaniya.
“Umiyak lang siya. [...] Sinabi ko sa kaniya, ‘Just in case na dumating ang oras na gusto mong makita, okay lang. Walang problema. Pero sabi niya, ‘No need,’” sabi pa ni Pokwang.
Matatandaang naghain ng deportation case si Pokwang laban sa kaniyang dating partner noon pang Hunyo 2023. Tuluyang na-deport sa Pilipinas si Lee noong Abril 2024 ayon sa Bureau of Immigration (BI).
MAKI-BALITA: Pokwang, wagi: Lee O' Brian, na-deport na