July 21, 2026

Home BALITA

Mga nasawi dahil kay 'Inday,' habagat umabot na sa 18!

Mga nasawi dahil kay 'Inday,' habagat umabot na sa 18!
Photo courtesy: Amor Pelite via MB


Pumalo na sa 18 ang kumpirmadong namatay bunsod ng pinagsamang puwersa ng bagyong Inday at habagat, batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Linggo, Hulyo 12.

Ayon sa OCD, ang mga napaulat na nasawi ay namatay bunsod ng landslide na dulot ng malakas na ulan at pagkalunod.

Nakapagtala rin ang ahensya ng pitong nasugatan, habang 12 naman ang nawawala dulot ng mga naturang kalamidad.

Dahil sa nabanggit na bagyo at habagat, naapektuhan ang aabot sa 123,000 pamilya—katumbas ng 562,000 indibidwal sa buong bansa.

Samantala, naipaabot naman na ang tulong sa mga apektadong residente—na aabot sa higit ₱28 milyon.

Probinsya

Inang nagbugaw sa mga anak na menor de edad, natimbog ng NBI!

Nakalabas na ang bagyong Inday ng Philippine Area of Responsibility (PAR) noong umaga ng Sabado, Hulyo 11.

Gayunpaman, isang low pressure area (LPA) sa labas ng PAR ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Anang ahensya, mababa ang tsansa nitong maging tropical depression sa loob ng 24 oras.

Patuloy namang magpapaulan ang habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.