July 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maris Racal naispatang may kasamang 'mystery guy,' bagong jowa na ba?

Maris Racal naispatang may kasamang 'mystery guy,'  bagong jowa na ba?
Photo courtesy: via Mega Kapamilya (X)

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga kumakalat na larawan ng Kapamilya star na si Maris Racal matapos siyang mamataang may kasamang isang hindi pa nakikilalang lalaki, sa ilang lugar.

Sa mga larawang unang ibinahagi online, makikitang magkatabi at tila masayang nag-uusap sina Maris at ang naturang lalaki habang naghihintay sa waiting area. Sa iba pang kuha, nakita rin silang magkasamang nakasakay sa airport shuttle bus.

Dahil dito, agad na nagtanong ang ilang netizens kung ang lalaki na nga ba ang bagong espesyal na tao sa buhay ng aktres.

Photo courtesy: Screenshot from Mega Kapamilya (X)

Gayunman, wala pang inilalabas na pahayag si Maris hinggil sa pagkakakilanlan ng lalaki o kung may romantikong namamagitan sa kanila. Sa kasalukuyan, nananatiling haka-haka lamang ng publiko ang tunay na relasyon ng dalawa.

Tsika at Intriga

Sigaw ni Brent Manalo: 'No to Pax Silica!'

Muling nabuhay ang interes ng publiko sa love life ni Maris matapos ang naging hiwalayan nila ng OPM icon at Rivermaya frontman na si Rico Blanco noong Hulyo 2024.

Matapos ang ilang taong relasyon at pagiging isa sa pinakasikat na celebrity couples sa bansa, kinumpirma noon ni Maris ang kanilang paghihiwalay. Bagama't hindi na nila detalyadong tinalakay ang dahilan ng breakup, iginiit ng dalawa na nananatili ang respeto nila sa isa't isa.

Lalo pang naging laman ng balita si Maris noong huling bahagi ng 2024 matapos masangkot sa kontrobersiyang may kaugnayan sa kaniyang katambal na si Anthony Jennings," dahil sa mga naging pasabog ng ex-girlfriend nitong si Jam Villanueva, sa umano'y "personal na ugnayan" nina Maris at Anthony na malayo na sa kanilang trabaho.

Maki-Balita: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings

Anyway, kamakailan lamang ay kinilala si Maris bilang Best Actress para sa pelikulang "Sunshine," sa ginanap na 9th Entertainment Editor's Choice o Eddys noong Linggo, Hulyo 5.

Maki-Balita: 'Sa lahat ng mga nadapa, bangon lang!'—Maris Racal