Tinatayang 455,188 antiretroviral bottles ang inaasahang maipamamahagi sa Persons Living with HIV (PLHIV) sa susunod na linggo, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH), nitong Sabado, Hulyo 11.
Saad pa ng DOH, ang Human Immunodeficiency Virus (HIV) commodity na ito ay ang Lamivudine +Tenofovir+Dolutegravir (LTD) na unang tranche sa inaasahang 1.2 milyon HIV commodities.
Ang ikalawa at ikatlong tranche ay inaasahan namang dumating sa Agosto hanggang Setyembre.
Sa kaugnay na ulat, inanunsyo ng DOH na nakakuha ang bansa ng 15,000 doses ng injectable pre-exposure prophylaxis (PrEP) drug Lenacapavir (LEN) noon lamang Hunyo sa tulong ng US Department of State upang matulungan ang patuloy na pagtaas ng HIV infection sa bansa.
Matatandaang ipinaliwanag ni DOH Sec. Ted Herbosa na ang Lenacapavir ay isang treatment na itinuturok sa isang PLHIV kada anim na buwan.
MAKI-BALITA: US-grade HIV treatment, malapit nang dumating sa Pilipinas – DOH