July 08, 2026

Home BALITA

Super Typhoon 'Inday,' wala pang direktang epekto sa bansa

Super Typhoon 'Inday,' wala pang direktang epekto sa bansa
PAGASA

Bagama't nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Inday, wala pa itong direktang epekto sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules ng umaga, Hulyo 8. 

Sa isinagawang press briefing kaninang 5:00 AM, ibinahagi ni PAGASA weather specialist Chenel Dominguez na wala pang direktang epekto ang super typhoon Inday sa bansa, na nakapasok sa PAR kaninang 3:00 AM.

"Wala pa naman itong direktang epekto sa anumang parte ng bansa. Ang inaasahan po nating magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ay ang southwest monsoon o habagat, na currently nakakaapekto na sa Mindanao," saad ni Dominguez.

Huling namataan ang bagyo sa 1,405 kilometers East of Northern Luzon na may taglay na lakas ng hangin na 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 230 kilometers per hour.

Kumikilos naman pa-westward ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour. 

Pag-aaral ng wage boards sa dagdag-sahod sa ibang rehiyon, nagpapatuloy—PBBM

Nakataas na rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Northern Luzon partikular sa:

Batanes
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Northern at central portions ng Isabela 
Apayao
Eastern portion ng Kalinga
Northern portion ng Aurora
Northern at central portions ng Catanduanes

Ang pinakamataas na wind signal na itataas ng PAGASA sa pagdaan ni "Inday" ay signal no. 2 o 3.

Samantala, hihina bilang "typhoon" ang super typhoon pagdating ng Huwebes, Hulyo 9.