Idiniin sa publiko ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo na hindi raw siya papabor sakali mang maging totoo raw ang mga balitang may nilulutong impeachment sa Kamara laban kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Sa inilabas na pahayag ni Arroyo sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Hulyo 8, 2026, kinuwento niyang Career Executive Service Officer (CESO) Assistant Secretary daw si Remulla nang panahong naganap ang EDSA Dos noong 2001.
Diin ni Arroyo, mas pinili raw ni Remulla na isantabi ang kaniyang naturang puwesto para tulungan siya sa pag-aasikaso sa Palasyo.
“Ombudsman Remulla was a CESO Assistant Secretary in President Estrada’s office when EDSA Dos happened. Rather than cling to his Civil Service security of tenure, he graciously vacated his post to give me a free hand in organizing Malacañang,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni Arroyo.
Ani Arroyo, naging kakampi pa raw niya si Remulla nang maging mambabatas ang huli sa ilalim ng pamumuno niya bilang Pangulo ng Pilipinas at nagkaroon ng mahalagang gampanin para sa bantayan ang kaniyang dating administrasyon.
“He became my ally when he became a Congressman during my Presidency and did much valuable legislative policy and oversight for my administration,” aniya.
Pagtitiyak ni Arroyo, kung totoo man daw na may mahaing impeachment complaint laban kay Remulla, mariin daw siyang boboto laban dito.
“Thus, if an impeachment resolution is filed in the House against him, I will vote against it,” ‘ika niya.
“Impeachments are fundamentally political, and a vote in favor of Ombudsman Remulla would be my response,” pagtatapos pa ni Arroyo.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang lumalabas na mga kumpirmasyon kung totoo ang mga balitang impeachment complaints laban kay Remulla.
Hindi pa rin naglalabas ng pahayag, tugon, o reaksyon ang Ombudsman kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: Gloria Arroyo, itinangging planong paalisin sa pwesto si HS Bojie Dy