July 14, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

'Sa lahat ng mga nadapa, bangon lang!'—Maris Racal

'Sa lahat ng mga nadapa, bangon lang!'—Maris Racal
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (FB)

Naging emosyunal ang Kapamilya star na si Maris Racal matapos niyang tanggapin ang parangal na "Best Actress" para sa award-winning movie niyang "Sunshine," sa ginanap na 9th Entertainment Editor's Choice o Eddys noong Linggo, Hulyo 5.

Bago magpasalamat sa pamunuan ng mga hurado ng Eddys, inacknowledge muna ni Maris ang mga nakalabang aktres sa nabanggit na kategorya, gaya nina Mylene Dizon, Barbie Forteza, Angelica Panganiban, at Charo Santos-Concio. Ang mapabilang daw sa mga nominado kasama ang mga nabanggit na beteranang aktres ay talaga namang karangalan na raw para sa kaniya.

Kuwento niya, nang mabasa raw niya ang script ng Sunshine, alam daw niya sa sarili niyang malaking responsibilidad bilang artista ang nakaatang sa kaniya, lalo na't ang tatalakayin ay tungkol sa abortion, na isang sensitibong paksa sa Pilipinas. Pero alam daw niyang marami raw siyang magiging "kakampi" sa pagganap sa nabanggit na pelikula.

Inialay niya ang award sa direktor ng pelikula na si Direk Antoinette Jadaone, at sa lahat ng bumubuo ng nabanggit na pelikula.

Makahulugan naman ang naging pag-uugnay ni Maris sa karakter niyang si Sunshine.

Pelikula

Matt Damon, bet makatrabaho si Jericho Rosales

"Sunshine is a girl who had so much promise, who had big, big, dreams, who had such a bright future—pero nadapa, nagkamali. This feels so familiar to me," aniya.

"I know the feeling of losing everything. Matatanong mo sa sarili mo if titigil mo na lang ba. Burado na ba sarili mo—pero hindi. Sa story ni Sunshine pinili niya mabuhay mga pangarap niya."

"This award is for all the Sunshines in this world. Sa lahat ng mga kababaihan, sa karapatan natin piliin sarili natin. Sa lahat ng nadapa, bangon lang," pahayag pa ni Maris sa kaniyang acceptance speech.

Samantala, itinanghal namang Best Actor si Jericho Rosales para sa pagganap niya bilang si dating Pangulong Manuel Luis Quezon sa pelikulang "Quezon."

Matatandaang nalagay sa kontrobersiya ang pangalan ni Maris, kasama ang katambal na si Anthony Jennings, matapos masangkot sa mga naging pasabog ng ex-girlfriend ng huli na si Jam Villanueva, na umano'y may namamagitan sa kanilang dalawa.

Maki-Balita: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings

Nangyari ito sa kasagsagan ng pamamayagpag ng kanilang tambalang "SnoRene" mula naman sa romantic-thriller series na "Can't Buy Me Love" na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle.