July 15, 2026

Home SHOWBIZ

‘Nache-cheapan sila sa trabaho ko!’ MJ Felipe, binato dati ng barya

‘Nache-cheapan sila sa trabaho ko!’ MJ Felipe, binato dati ng barya
Photo Courtesy: MJ Felipe (FB), Pexels

Ibinahagi ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe ang isang tagpo sa Mandaluyong noong nagsisimula siya bilang showbiz reporter.

Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Hulyo 4, kasama ni MJ bilang guest ang beauty queen at isa ring ABS-CBN entertainment reporter na si Ganiel Krishnan.

Nilahad nilang dalawa sa unang bahagi ng panayam ang kanilang journey sa mundo ng entertainment.  

Aniya, “When I started out—2004 yata 'yon— I was about to interview Christian Bautista. And ang meeting place namin is in a mall in Mandaluyong.”

“Pagbaba ko sa van,” pagpapatuloy ni MJ, “napadaan ako sa isang coffee shop. And then mayro'n do'ng dalawang bading na nakatingin sa akin. [...] Then mamaya ng konti, hinagisan ako ng barya. Ang sabi nila, ang cheap-cheap.”

Relasyon at Hiwalayan

Haba ng hair! Dolly de Leon, nilalandi sa Hollywood

Ayon kay MJ, hindi raw niya naproseso ang nangyari. Tinatanong niya ang sarili kung bakit siya hinagisan ng barya. 

Pero matapos ang interview niya kay Christian, na-realize umano ni MJ na nache-cheap-an ang dalawang bading sa trabaho niya na isang showbiz reporter.

“They find showbiz reporters cheap. I can’t change that kasi ‘yon ang napapanood nila, e. Baka I can change kung paano sa akin. It should start from me,” saad ni MJ.

Kaya naman ang ginawa niya, nagtrabaho siya behind-the-scenes. Nagsimula siyang magsulat at maging segment producer. 

“Kumbaga,” paliwanag ni MJ, “binuild ko ‘yong foundation of becoming a good reporter. Which is to be a researcher first, a production assistant. Do all the legwork.”

Sa kasalukuyan, dalawang dekada na si MJ sa industriya. Bagama’t Physics ang natapos na programa noong kolehiyo sa De La Salle University (DLSU), nagawa niyang makatawid sa mundo ng journalism.