Nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang isang babaeng pulis at kapwa niya pulis matapos umano silang madiskubreng magkasama sa loob ng isang inuupahang kuwarto sa Butuan City.
Batay sa pahayag ng Police Regional Office-13 (PRO-13), nabisto ang dalawa matapos umano silang mahuli ng mister ng babaeng pulis sa loob ng naturang kuwarto.
Dahil dito, inihahanda laban sa kanila ang reklamong adultery at administrative case dahil sa umano'y misconduct.
"Hence the filing of a criminal act for adultery and an administrative case against both personnel for the act complained of," ayon sa PRO-13.
Binigyang-diin ng pamunuan ng PRO-13 na hindi nito palalampasin ang anumang asal na taliwas sa moralidad at nakasisira sa integridad ng organisasyon, lalo na kung sangkot ang mga alagad ng batas.
"As law enforcers, we are bound by a higher standard of morality, integrity, and discipline. We are expected to serve as role models in our communities and within our households living a life free from immoralities and uncalled acts which is equally required as continuous qualification in the service," saad ng PRO-13.
Samantala, tiniyak ni PRO-13 Director Brig. Gen. Marical Mariano Magistrado IV na magiging patas ang imbestigasyon at walang sinumang bibigyan ng espesyal na pagtrato habang dinidinig ang kaso.
Nagbabala rin ang pamunuan sa iba pang mga pulis na pananagutin ang sinumang masasangkot sa mga gawaing makasisira sa pangalan ng Philippine National Police.
"Let this serve as a warning to all personnel of PNP Caraga: The leadership will not close its eyes on upon any immoral acts and any form of misconduct that will tarnish the badge and reputation of this organization. Anyone who opts to engage in similar or any act scandalous that will compromise the values that we swear to protect will be dealt with by full force of the law," pahayag pa ng PRO-13.