July 17, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

'Ang lala!' Concert ticket ni John Legend sa Pinas, inokray ng netizens!

'Ang lala!' Concert ticket ni John Legend sa Pinas, inokray ng netizens!
Photo courtesy: John Legend/FB

Usap-usapan ngayon sa social media ang presyo ng ticket para sa dalawang gabing concert ng Grammy Award-winning singer na si John Legend sa Pilipinas.

Ayon sa inilabas na seat plan para sa "An Evening of Songs & Stories," gaganapin ang concert sa Proscenium Theater sa Rockwell, Makati sa Setyembre 3 at 4. Ang pinakamurang tiket ay nagkakahalaga ng ₱10,300, habang ang pinakamahal ay umaabot sa ₱72,100 para sa Orchestra SVIP.

Narito ang ilan sa mga presyo ng ticket:

Orchestra SVIP – ₱72,100

Orchestra VIP – ₱51,500

Musika at Kanta

SB19, Ben&Ben, iba pang OPM artists nagpasiklab sa Araneta!

Orchestra Premium – ₱41,200

Orchestra – ₱30,900

Balcony Premium – ₱20,600

Balcony – ₱10,300 

Dahil dito, bumaha ng reaksyon ang mga netizen, kung saan marami ang nagsabing hindi umano abot-kaya ang presyo ng mga ticket kahit para sa mga matagal nang tagahanga ng international artist.

"₱72K? Pang-down payment na 'yan ng sasakyan."

"Love ko si John Legend pero hanggang Spotify na lang ako."

"Ang mahal! Parang VIP package na may meet and greet."

"Pwede na akong mag-abroad sa presyo ng isang ticket."

"Sino target market nito? CEOs?"

"Grabe naman, intimate concert pero hindi intimate ang presyo."

"Pass muna. Hintayin ko na lang sa YouTube clips."

"Mas mahal pa sa ibang international concerts."

"Legend nga kasi, legendary din ang presyo."

"Sana may installment option."

Gayunman, may ilang concert goers din ang nagtanggol sa ticket prices. Ayon sa kanila, limitado lamang sa humigit-kumulang 780 upuan bawat gabi ang Proscenium Theater kaya inaasahang mas eksklusibo at mas personal ang magiging karanasan ng mga manonood kumpara sa karaniwang arena concert. 

Nitong Linggo, Hulyo 5, opisyal nang nagsimula ang bentahan ng mga ticket sa pamamagitan ng TicketWorld para sa inaabangang pagbabalik ni John Legend sa Pilipinas.